Vlogger at dating calendar girl model na si China Roces, ipinakilala na sa publiko ang kanyang panganay na anak na itinago niya ng 14 taon

Matapos ang 14 na taon ay ipinakilala na sa publiko ng sikat na vlogger at dating modelo na si China Roces ang kanyang panganay na anak.

Credit: China Roces YouTube    

Sa pamamagitan ng isang vlog na inilabas niya noong February 7, ipinakilala ni China sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang anak na si Lymhie Dine na isa nang ganap na dalaga.

“This is the time na ipapakilala ko na sa inyo ‘yung anak ko at sana huwag n’yo akong i-judge kasi mahal na mahal ko yung pamilya ko, mahal na mahal ko ‘yung mga anak ko,” ani China sa kanyang vlog.

Credit: China Roces YouTube

Dagdag niya, “Ito na si Lymhie Dine, malaki na siya, dalaga na siya.”

31 taong gulang na si China habang si Lymhie Dine nga ay 14 taong gulang na. Ibig lamang sabihin nito na 17 taong gulang si China noong isinilang niya ang kanyang panganay na anak.

Ayon kay China, kaya niya piniling itago muna ang kanyang anak at ang pagbubuntis niya noon ay dahil sa uri ng kanyang trabaho. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nagtatrabaho noon si China bilang isang modelo.

Credit: China Roces YouTube

Natakot nga si China na baka makaranas siya ng diskriminasyon kapag nalaman ng mga tao na may anak na siya.

Aniya, “Ang masasabi ko lang dati kasi ay nagtatrabaho ako ‘di ba dini-discriminate ng mga tao kapag ka may anak na daw. Sa mga nakakakilala sa akin, nag-FHM model ako, nag-calendar girl ako kung saan-saan na mga brand.”

Patuloy niya, “Siyempre, kung sinabi ko siguro sa kanila dati na may anak na ako baka hindi na nila ako tanggapin. At saka that time hindi naman halata…isipin n’yo may anak na ako nu’n pero napaka-s3xy ko pa rin nu’n.”

Credit: China Roces YouTube

Sa vlog ay makikita rin ang ilang litrato ng anak ni China at hindi nga maikakailang anak niya ang dalaga dahil sa malaking pagkakahawig nilang dalawa.

Nagpasalamat naman si Lymhie sa mga taong sumuporta at tumanggap sa kanya.

Credit: China Roces YouTube

Ani Lymhie, “Ang masasabi ko po is thank you po sa lahat ng suporta and pagtanggap n’yo po sa akin bilang anak nga po ni China Roces.”

Inanunsyo naman ni China na magbubukas na rin ng sariling YouTube channel ang kanyang anak. Abangan nga raw ng mga netizen ang mga vlog nito at ang collaboration videos nilang mag-ina.

Credit: China Roces YouTube

Ani China, “At abangan n’yo ‘yung kanyang mga upcoming vlog, magba-vlog na rin po siya. Super ready na daw siya.”

Sa huli ay hinikayat ni China ang lahat na mas lalo pang “pagtibayin [at] paigtingin” ang pagmamahalan sa pagitan ng mga magulang at anak.

Samantala, sa panahong isinusulat ito ay umabot na sa mahigit 180K ang nakuha views ng “‘THE REVELATION’ MAY ANAK NA AKONG DALAGA” video ni China.