Sikat na vlogger na si Basel Manadi, hinangaan dahil sa kanyang reaksyon sa matandang drayber na nakab@ngga sa kanyang sasakyan

Umantig sa puso ng mga netizen ang kabutihan na ipinakita ng sikat na Syrian-vlogger na nakabase ngayon sa Pilipinas na si Basel Manadi o mas kilala ng lahat sa social media bilang “The Hungry Syrian Wanderer” matapos niyang patawarin ang drayber na nakab@ngga ng kanyang sasakyan.

Credit: The Hungry Syrian Wanderer Facebook     

Muling nagpakalat ng ‘positivity’ si Basel dahil sa kanyang ‘chill’ lamang na reaksyon kahit pa nab@ngga ang gilid ng kanyang sasakyan ng nasabing drayber na tinawag niya ring ‘Tatay’.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi ni Basel na naka-engkwentro siya ng maliit na aks!dente sa kalsada habang papunta siya sa Pasig City.

Credit: The Hungry Syrian Wanderer Facebook

Ayon kay Basel, papunta siya ng Pasig City mula sa Las Piñas City para puntahan at tulungan ang nag-viral na matandang basahan vendor nang mabungg0 ang gilid ng kanyang sasakyan ng nasabing drayber.

Credit: The Hungry Syrian Wanderer Facebook

I-pinost naman ni Basel ang isang larawan kung saan makikita ang kinakabahang reaksyon ng drayber ng kinausap niya ito. Ngunit sa halip na pabayarin ang drayber o iulat ang aks!dente sa pulisya, sinabi ni Basel na pinatawad lamang niya ang drayber.

Tila hindi makapaniwala ang nasabing drayber sa sinabi ni Basel.

Credit: The Hungry Syrian Wanderer Facebook

Kwento ni Basel, “Tatay’s priceless reaction when I told him, “I will just forgive you,okay? No need police report or paying anything” ❤️ most people are hot headed in a situation like this.”

Masayang nakipag-selfie rin si Basel sa matandang drayber.

Sa huli, may isang mensahe na nais iparating si Basel sa lahat at iyon ay “To forgive is the highest, most beautiful form of love. In return, you will receive untold peace and happiness.” (Ang magpatawad ang pinakamataas, pinakamagandang anyo ng pag-ibig. Bilang kapalit, makakatanggap ka ng hindi kapani-paniwala na kapayapaan at kaligayahan.)

Credit: The Hungry Syrian Wanderer Facebook

Dagdag pa ni Basel, “Leave people better than you found them. [I’m] sure Tatay will never forget this encounter and spread positivity ❤️”

Maraming netizens naman ang pumuri kay Basel dahil sa kabaitang ipinakita niya sa drayber na nakab@ngga ng kanyang sasakyan.

“you’re such a good person basel!😊 and pls.be careful always wherever you go..God bless you!😇”

Credit: The Hungry Syrian Wanderer Facebook

“Such a good & kindhearted man,..godbless you always sir Basel..keep safe always”

“Salute for having a good heart..same here as weell i dont value my car ..Im more concern and value the life whose inside the car.”

Credit: The Hungry Syrian Wanderer Facebook

Sa panahong isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 80K ang nakuhang reactions ng Facebook post ni Basel.