Nag-viral na parol maker, malaki ang pasasalamat kay Yorme Isko Moreno nang tulungan siya pagkatapos lokohin ng nagorder na customer

Isa ang “parol” sa mga simbolo ng Paskong Pinoy. Kahit hindi pa sumasapit ang buwan ng Disyembre ay marami nang makikitang parol sa mga kalsada, establisyemento, at kabahayan.

Credit: Arlene Simon Facebook   

Para naman sa ilan nating kababayan ay naging hanapbuhay na nila ang taun-taong paggawa ng mga parol.

Kaya naman labis na nanlumo ang gumagawa ng mga parol na si Maximino Simon Jr. matapos kanselahin ng kanyang kinontratang buyer ang natitirang 700 pirasong parol sa 1000 pirasong parol na inorder nito sa kanya.

Sa isang video na ibinahagi ni Maximino sa Facebook, ikwenento niya na hindi na nga kukunin ang 700 piraso ng parol na kanilang ginawa.

Credit: Arlene Simon Facebook

Halos tatlong buwan din na pinagpuyatan nina Maximo at ng 8 pang parol maker na kinuha niya ang mga parol.

Kaya naman labis-labis ang kalungkutan na naramdaman ni Maximino. Bukod sa oras at pagod ay malaking pera rin ang ginastos ni Maximino bilang puhunan sa paggawa ng mga parol.

Ayon kay Maximino, dahil sa pagkansela ng nasabing buyer ay mababaon na naman daw siya sa utang.

Ani Maximino, “Dina kukunin yan ng buyer sayang 100k lahat ng bayad yan paano na ako baon nanaman ako sa utang.”

Credit: Arlene Simon Facebook

Mabilis namang nag-viral ang Facebook post ni Maximino. Maraming netizens ang nakisimpatya at nalungkot dahil sa sinapit ni Maximino.

Ngunit ang kanyang viral post ay naging daan naman upang mawala na sa kanyang dibdib ang bigat na kanyang nararamdaman dahil sa hindi pagtuloy ng buyer na pagkuha sa kanyang mga parol. Matapos kasing mapanood ng maraming tao ang kwento ni Maximino, marami ang nag-alok na tulungan siya sa pamamagitan ng pagbili ng kanyang mga parol.

Credit: Arlene Simon Facebook

Hanggang sa nakaabot na nga sa lokal na pamahalaan ng Maynila ang malungkot na sitwasyon ni Maximino.

At ilang araw lamang ang makalipas ay pinakyaw ng lokal ng Maynila sa pamumuno ni Mayor Isko Moreno ang mga hindi nabentang parol ni Maximino. Binili ni Mayor Isko ang mga parol at isinabit ito sa mga barangay sa Maynila.

Wala namang pagsidlan ang kaligayahan ni Maximino at ng kanyang pamilya dahil sa wakas, mababayaran na nila ang walong tauhan na nagpuyat para lamang gawin ang mga parol. Hindi na rin mamomroblema si Maximino dahil hindi na siya mababaon sa utang.

Credit: Arlene Simon Facebook

Sa isang Facebook post, pinasalamatan naman ni Maximino si Mayor Isko.

“Maraming salamat po Mayor Isko Moreno,” mensahe ni Maximino.

Sa ngayon ay higit 2 milyon na ang nakapanood sa viral video ni Maximino sa Facebook.