Isang lalaki ang hinangaan dahil sa pagpapakita ng kabutihang loob sa isang ginang na di sapat ang pera para makabili ng kailangang gamot

Sa kabila ng mga negatibong balita na dala ng nararanasan nating p@ndemya, isang kwento ng kabutihan at pagmamalasakit sa kapwa ang nagbibigay inspirasyon at umantig sa puso ng maraming netizens ngayon sa social media.

Isang netizen na nagngangalang Mandy Viray ang nagbahagi sa Facebook ng isang nakakaantig na eksenang nasaksihan niya habang siya ay bumibili ng gamot sa isang botika sa Malolos, Bulacan.

Credit: Mandy Viray Facebook

Ayon kay Mandy, narinig niya ang pag-uusap sa pagitan ng isang ginang at pharmacist ng botika. Aniya, bumibili umano ang nasabing ginang ng gamot. Nang magbabayad na ang ginang ay sinabi ng pharmacist na nagkakahalaga ang mga gamot ng P1,100.

Kaya lang P200 lamang daw ang pera ng ginang, hindi sapat upang mabayaran nito ang lahat ng gamot.

Dahil kulang ang dalang pera, sinabi ng ginang na tig-iisang piraso lamang ng gamot mula sa reseta ang kanyang bibilhin.

Pagsasalaysay ni Mandy, “So nasa Mercury ako kanina to buy my Meds when I overheard the Pharmacist and si Nanay na bumibili ng gamot.

Pharmacist: 1,100php po lahat

Nanay: (nilabas ang supot puno ng barya). Pwede ba makabili kahit tig iisang piraso ng nasa reseta? 200 lang pera ko pasensya na.”

Gayunpaman, ayon kay Mandy, sa puntong iyon, isang lalaki sa tabi ng ginang ang nagsalita at sinabi na siya na ang magbabayad sa natitirang P900 at hiniling sa pharmacist na ibigay sa ginang ang lahat ng mga gamot na kailangan nito.

“Biglang nagsalita yung lalaki sa tabi nya. Sabi ni Kuya sa Pharmacist, ‘Miss, sagot ko na yung kulang, bigay mo yung lahat ng nasa reseta ni Nanay,'” kwento ni Mandy.

*Photo for illustration purposes only.

Paglalarawan pa ni Mandy, abot-langit umano ang kasiyahan ng ginang sa lalaki na nagmagandang loob na tulungan siya.

Sabi naman ni Mandy na hindi niya makakalimutan ang sinabi ng lalaki matapos siyang pasalamatan ng ginang na kanyang tinulungan.

Pagbabalik-tanaw ni Mandy, “Tuwang tuwa si Nanay grabe yung pagpapasalamat nya kay Kuya. Nung naibigay na ang gamot, di ko makakalimutan yung eksaktong sinabi ni Kuya kay Nanay…’Nay, di sakin galing yan, sa Dios yan galing. Sa Dios po tayo magpasalamat.'”

*Photo for illustration purposes only.

Samantala, sinabi ni Mandy na sa mga sandaling iyon, nakita niya ang Diyos, hindi man pisikal, ngunit ang kabutihan nito. At kung paanong ang Diyos ay may sariling paraan upang matulungan ang mga nangangailangan o tulungan tayo kung walang-wala tayo.

Ani Mandy, “Today, I saw God. It was a precious encounter.”

Sa ngayon, ang post ni Mandy ay mayroon nang libu-libong comments, reactions at shares.