Dating “Pabebe Girls” na si Michelle Alfonso, ginulat ang lahat nang makita ang malaking transformation

Marami ang nakakaranas ng biglaang pagsikat sa social media at isa na nga rito si Michelle Alfonso. Isa si Michelle sa mga sumikat noong 2015 dahil sa kanilang “Pabebe Girls” video.

Credit: The Universe YouTube       

Viral noon ang “Pabebe Girls” video nina Michelle at ng kanyang kaibigan na si Janet Ricabo. Ngunit kung gaano kabilis ang kanilang pagsikat ay ganoon din kabilis nalaos ang “Pabebe Girls”.

Ginulat naman ni Michelle ang lahat nang lumabas siya sa telebisyon limang taon ang makalipas mula nang maging laman ng mga balita ang kanilang “Pabebe Girls” video. Nitong November 14, ay napabilang si Michelle sa mga pagpipilian ng aktres na si Eula Valdes sa “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga.

Credit: The Universe YouTube

Kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa hitsura ni Michelle. 11 taong gulang pa lamang noon si Michelle nang ginawa nila ang “Pabebe Girls” video. Ngayon nga na 16 na taong gulang na siya ay dalagang-dalaga na si Michelle. Kung noon ay wala pang kilay si Michelle ay ngayon mayroon na siyang kilay. Manipis pa rin naman ang kilay niya ngunit sa tulong ng eyebrow pencil kaya kumapal na ito ngayon.

Credit: @mchlealfns Instagram

Sa noontime show din ay ikwenento ni Michelle ang storya sa likod ng kanilang viral video. Aniya, umaarte lamang daw sila ng kanyang kaibigan sa “Pabebe Girls” video na naggagalit-galitan.

Kwento ni Michelle sa Eat Bulaga hosts na sina Paolo Ballesteros at Jose Manalo, “Katatapos lang po namin mag-practice nun ng sayaw po tapos sabi po ng nag-video sa ‘min, gawa daw po kami ng video. Sabihin [lang daw] po namin yung gusto naming sabihin.”

Credit: @mchlealfns Instagram

Inamin din ni Michelle na marami siyang natanggap na pangungutya noon dahil nga sa wala siyang kilay.

“Nabash na po kami nung pag-upload po [ng video]…Wala nga daw po akong kilay tapos kung makapagsalita daw po ako…” kwento ni Michelle.

Credit: @mchlealfns Instagram

Ayon pa kay Michelle, marami pa rin naman daw ang nakakakilala sa kanya kahit pa matagal na noong lumabas ang “Pabebe Girls” video nila.

Credit: @mchlealfns Instagram

Ibinahagi rin ni Michelle na hindi na rin siya binab@sh ng mga tao ngayon.