Dalawang doktor na nagsuot ng matching PPE sa kanilang kasal, viral ngayon sa social media!

Break muna sa kanilang trabaho bilang mga medical frontliner ang dalawang doktor na sina Dr. Geraldine Zamora at Dr. Sonny Abrahan matapos silang ikasal nitong February 19.

Credit: Nice Print Photography and Exige Weddings Facebook

Naging viral naman sa social media ang kanilang kasal dahil sa halip na magsuot ng wedding dress si Geraldine at suit naman si Sonny sa kanilang kasal, pareho silang nagsuot ng puting PPE o Personal Protective Equipment.

Ibinahagi ng Nice Print Photography, ang official wedding photographer-videographer ng kasal nina Geraldine at Sonny, sa kanilang Facebook page ang mga wedding picture ng dalawang doktor.

Ginanap sa San Pedro Calungsod Parish sa Antipolo City ang intimate wedding nina Geraldine at Sonny.

Makikita nga sa kanilang mga wedding picture ang kanilang damit pangkasal na pinasadyang PPE kung saan ay nakasulat ang kanilang mga pangalan.

Credit: Nice Print Photography and Exige Weddings Facebook

“They tied that knot yesterday! Congratulations Dr @ging.md and Dr. @sonny.abrahan.md Such a cute and perfect couple watching their matchy personalized PPE,” caption ng Nice Print Photography sa kanilang post.

Bukod naman sa pagsusuot ng PPE, makikita rin na may suot na puting face mask sina Geraldine at Sonny. Nagsilbing magandang halimbawa nga para sa lahat ang ginawa nina Geraldine at Sonny.

Si Geraldine ay isang sikat na rheumatologist sa bansa habang si Sonny naman ay isang interventional cardiologist.

At bilang mga doktor ay ipinapakita nila sa lahat ang kahalagahan ng pagsusuot ng PPE at face mask ngayong panahon ng p@ndemya.

Credit: Nice Print Photography and Exige Weddings Facebook

Pinuri nga ng maraming netizens ang “simple” ngunit “classy” umano na wedding outfit ng dalawang doktor.

“Woooow and cute and unique iba talaga pag nasa tamang partner”

“so simple yet so classy! congrats dra! So happy for both for u”

“Love their wedding attire, it made sense Best wishes to this beautiful couple”

Samantala, hindi na bago sa pandinig ng marami ang pangalan ni Geraldine.

Credit: Nice Print Photography and Exige Weddings Facebook

Matatandaan na noong 2018 ay nag-viral ang doktora matapos isapubliko ng kanyang dating mister na ang negosyanteng si Raymond Racaza ang relasyon nito sa celebrity fashion stylist na si Liz Uy.

Gayunman, matagal nang iniiwasan ni Geraldine ang isyu sa pagitan niya at ni Liz lalo na ngayong may sarili na silang buhay.

Si Geraldine at Raymond ay mayroong isang anak na babae. Habang si Liz at Raymond naman ay may isang anak na si Xavi.

Noong October 2020, inanunsyo ni Liz na engaged na sila ni Raymond. At sa huling bahagi naman ng 2020 ay masaya niyang ibinalita na ipinagbubuntis niya ang pangalawang anak nila ni Raymond.