Vlogger na si Zeinab Harake, isinilang na ang unang anak nila ni Daryl Ruiz a.k.a. Skusta Clee

Ganap nang mga magulang ang kilalang social media couple na sina Zeinab Harake at Pilipino rapper Daryl Ruiz o Skusta Clee. Sa isang espesyal na video na mapapanood sa YouTube channel ni Daryl, ibinahagi niya ang isa sa pinakamahalagang kaganapan sa buhay niya, ang araw na una niyang nasilayan ang napakagandang biyayang ipinagkaloob sa kanila ng Maykapal na siyang kanilang unang anak na si Baby Bia.

Credit: @zeinab_harake Instagram

“Sa lahat ng mga naging lakad at naging ganap ko sa buhay, ito na yung pinaka-importanteng araw at pinakahihintay naming lahat,” simula ni Daryl sa video.

Makikita sa vlog na sinamahan ni Daryl si Zeinab sa loob ng delivery room ng 0spital. At habang nasa loob nga ay hindi maiwasan ni Daryl na ipahayag ang kanyang kaba at pananabik.

Aniya, “Mixed emotions. Kinakabahan ako.”

Credit: @zeinab_harake Instagram

Hanggang sa natapos ang panganganak ni Zeinab at lahat ng kanilang pangamba ay napalitan ng labis na kasiyahan nang makita nila si Baby Bia sa kauna-unahang pagkakataon.

“Sa gitna ng halo-halong emosyon na naramdaman ko ng mga oras na iyon, biglang tumigil ang mundo,” ani Daryl sa video.

Credit: Skusta Clee TV YouTube

Mapapanood sa video ang pagiging emosyonal ni Daryl nang lumabas na si Baby Bia.

Aniya, “Si Bia…Oh my god. Pwede ko na ba siyang lapitan?”

Credit: Skusta Clee TV YouTube

Dagdag ni Daryl, “Pinakamagandang biyaya na binigay sa amin ng Panginoon. Tatay na ako, pare!”

Sinabi naman ni Daryl na binago ng kanilang anak ang kanyang buhay.

Credit: Skusta Clee TV YouTube

“Dati ang mga bagay na mahalaga lang sa akin…pera, kasikatan, bisyo. Hindi nga sumagi sa isip ko na magkakapamilya pa ako eh. Kasi hindi talaga ito yung buhay na nakasanayan ko dati eh. Sabi ko nga, ‘bahala na san nalang ako dalhin ng kapalaran,'” ani Daryl.

Credit: Skusta Clee TV YouTube

Ayon din kay Daryl, maswerte siya dahil mayroong isang tao na hindi siya sinukuan noong mga panahong maging siya ay sinukuan na ang sarili.

Aniya, “Pero mapalad ako kasi, merong isang taong hindi ako sinukuan sa mga kahit ako mismo sukong-suko na sa sarili ako. Paano wala akong pagmamahal sa sarili ko dati eh. Pero nang dumating kayo, unti-unti akong nabalot ng pagmamahal.”

Credit: Skusta Clee TV YouTube

Dagdag niya, “Kasi bakit? Life changer talaga ang baby sa totoo lang… Mas lalo mong naiintindihan ang halaga yung halaga ng buhay.”

Sa huli ay may mensahe si Daryl para sa kanilang unang anak.

Aniya, “Kaya hangga’t kaya ko at hanggang sa huling hininga namin ng Mama mo, pangakong hindi ka namin papabayaan. Maligayang pagdating sa mundo, anak.

Ipinanganak ni Zeinab ang unang anak nila ni Daryl sa pamamagitan ng ces@rean delivery noong April 28.