Supermodel na si Georgina Wilson, ipinakilala sa netizens ang napakagandang baby girl nila ng kanyang British businessman husband!

Isang panibagong biyaya ang dumating sa buhay ng supermodel-actress na si Georgina Wilson ngayong taon. Ito ay ang kanyang unica hija at “mini-me” na si baby Charlotte Arabella.

Credit: @ilovegeorgina Instagram

Ipinanganak ni Georgina ang ikatlong anak nila ng kanyang mister na si Arthur Burnand noong April 5 at nito lamang May 3 ilang araw bago ang pagdiriwang ng “Mother’s Day” ay ipinakilala niya ito sa publiko.

Sa pamamagitan ng serye ng mga larawan sa kanyang Instagram account ay ipinasilip ni Georgina ang napakagandang anak nila ni Arthur.

Credit: @ilovegeorgina Instagram

Sa kanyang Instagram post na may caption na “A baby sister”, iba’t ibang larawan ni baby Charlotte Arabella ang ibinahagi ni Georgina.

Kabilang sa mga larawan na ibinahagi ni Georgina ay noong nasa ospital pa siya at bini-breastfeed niya si baby Charlotte Arabella.

Credit: @ilovegeorgina Instagram

Ipinost din ni Georgina ang mga cute na larawan ni baby Charlotte Arabella kasama ang kanyang mga kuya na sina Archie at Alfie.

Makikita naman sa sumunod na mga larawan si baby Charlotte Arabella na nakalagay sa kanyang crib habang binabantayan siya ng kanyang mga kuya.

Ibinahagi rin ni Georgina ang larawan ng kanyang mister habang karga-karga nito ang kanilang baby girl. Kasama naman ni Georgina ang kanyang kapatid na si Jess Wilson sa isang larawan.

Credit: @ilovegeorgina Instagram

Sa pagdating ng kanilang panibagong bundle of joy ay bumaha ang pagbati para sa kanilang pamilya. Kabilang sa nagpaabot ng kanilang kasiyahan ay ang kanyang mga matalik na kaibigan na sina Raymond Gutierrez, Ellen Adarna, Isabelle Daza at Nico Bolzico.

Samantala, katatapos lamang magdiwang nina Georgina at Arthur ng kanilang ika-5 wedding anniversary nitong April 30.

Matatandaang ikinasal sila ni Arthur na isang British businessman noong 2016 sa isang mala-royal church wedding sa Winchester, United Kingdom. December 2016 naman nang isilang ni Georgina ang kanilang panganay na si Archibald Francis Geoffrey o kilala rin sa kanyang palayaw na Archie. Noong June 2019 ay winelcome naman nila ang kanilang ikalawang anak na si Alfred Thor Crichton o kilala ng lahat bilang “Alfie”.

Credit: @ilovegeorgina Instagram

Inanunsyo ni Georgina ang kanyang pagbubuntis noon lamang February 2021 anim na linggo bago siya manganak.