Miles Ocampo, nakatanggap ng bouquet ng mga bulaklak at sweet message mula sa bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby

Napaka-close ng dating “Goin’ Bulilit” actress na si Miles Ocampo kay Kris Aquino at sa anak nitong si Bimby. Sobrang sweet naman ni Bimby sa kanyang Ate Miles dahil nito lamang Araw ng mga Puso ay pinadalhan pa ng binatang anak ni Kris ang aktres ng bouquet ng mga bulaklak.

Credit: @milesocampo Instagram

Samantala, ibinahagi naman ni Miles sa kanyang Instagram story ang litrato ng bouquet ng mga bulaklak na ibinigay ni Bimby.

Makikita rin sa Instagram story ni Miles ang greeting card kung saan naman nakasulat ang sweet message ni Bimby para sa kanya.

Sa nasabing sulat ay pinasalamatan ni Bimby si Miles dahil sa pagiging ‘loyal ate’ umano nito sa kanya.

Credit: @milesocampo Instagram

“Dear Ate Miles, maraming, maraming salamat for being such a loyal ate,” ani Bimby.

May isang hiling din si Bimby para sa kanyang Ate Miles. Idinaan ni Bimby sa isang biro ang hiling niya na sana sa hinaharap ay makatanggap na si Miles ng ‘letter’ na hindi lamang mula sa kanya kundi sa nobyo na umano nito.

Credit: @milesocampo Instagram

Saad ni Bimby, “Sana, you will get a letter from a boyfriend and not me lang, hehe. But in all seriousness, I will forever love and respect you. Love, Bimby”

Matatandaan na nabuo ang matibay na relasyon ni Miles kay Kris at sa pamilya nito nang magsama sila sa Kapamilya drama series na ‘Kailangan Ko’y Ikaw’ noong 2013. Sa nasabing drama serye ay gumanap si Miles bilang anak ni Kris.

Noong nakaraang February 14 din, ipinagdiwang ng ‘The Queen of All Media’ ang kanyang ika-50 kaarawan. At batay sa larawang ibinahagi ni Miles sa kanyang post sa Instagram, present siya sa kaarawan ng kanyang Tita Kris.

Credit: @milesocampo Instagram

Sa kanyang Instagram post din ay ipinahayag ni Miles ang kanyang pasasalamat kina Kris at Bimby.

Ani Miles, “From being my nanay Roxanne 8 years ago til now, thank you for loving me. Thank you very much for everything, tita Kris. I love you always. 🤍✨⁣

Dagdag niya, “I love you too, Bimby. Thank you for being the sweetest.”