Megan Young, sinagot ang komento tungkol sa espekulasyon na siya ay nagdadalang-tao na

Pinabulaanan ni Miss World 2013 Megan Young ang espekulasyon ng ilang netizens na buntis siya sa asawang si Kapuso actor Mikael Daez.

Credit: Megan Young Instagram     

Nag-ugat ang espekulasyong ito ng netizens nang magbahagi ng isang larawan ang beauty queen sa kanyang Instagram kung saan ay lumitaw ang mistulang isang ‘baby bump.’

Nitong September 21 ay ibinahagi ni Megan ang larawan kuha mula sa kanilang bakasyon ni Mikael. Sa larawan ay makikita si Megan na karga ang kanyang alagang aso na si Soba habang nakayakap sa kanya si Mikael.

Credit: Megan Young Instagram

Caption ni Megan sa post, “A weekend getaway with the family was just what we needed.”

Sa comment section ay pinutakti si Megan ng tanong mula sa netizens kung siya ay buntis na. Komento ng netizens:

“baby bump? or baby belly? @meganbata”

Credit: Megan Young Instagram

“Baby Bump po ba yan?”

Tumugon naman si Megan sa mga nang-uusisa kung buntis na ba siya. Ani Megan, “hahaha kanin po yan tsaka chips hahahaha”

Samantala, ilang netizens naman ang pumuna sa ‘rude comments’ ng Instagram followers ni Megan.

Credit: Megan Young Instagram

Para sa ibang netizens, hindi raw kaaya-aya na tanungin ang isang babae kung buntis ba ito o hindi. Ani ng isang netizen, “omg!!! Stop asking people if they’re pregnant or want!!! It’s off3nsive! Let them announce it if they are!”

Ayon naman sa isa pang netizen, “aint it rude to query a woman of pregnant rumor?”

Ang mga komentong ito ng netizens ay isa sa mga tinutukoy ni Megan na ‘pressure’ sa pagsasama nila ni Mikael.

Credit: Megan Young Instagram

Matatandaang kamakailan lang sa isang episode ng kanilang podcast na “Behind Relationship Goals”, ay inamin ni Megan na nakakaramdam siya ng ‘pressure’ tuwing tinatanong siya kung kailan siya magkakaanak o kung buntis na ba siya.

Hindi naman daw apektado sina Megan at Mikael dito dahil bago pa lang sila makasal ay napagdesisyunan na nilang hindi muna magkaanak.

Credit: Megan Young Instagram

Ani Megan sa podcast, “Before Mik and I actually got married, we were engaged na, we would talk about kids a lot, and we would talk about what we wanted in our future family.”

Dagdag niya, “I’m not affected at all because I know what I want. I know I don’t want kids right away. I know it’s eventually going to happen, but for now, if it happens then it happens.”

Credit: Megan Young Instagram

Sina Megan at Mikael ay ikinasal ng dalawang beses nitong January. Una silang ikinasal noong January 10 sa Calaruega Church, Batangas. January 25 naman ginanap ang kanilang ikalawang kasal sa El Kabayo, Subic.