Korina Sanchez, ipinakita ang bagong natutunan ng kanyang adorable na kambal na anak na sila Pepe at Pilar

Wala ng mas hihigit pa sa kaligayahang nararamdaman ngayon ng veteran journalist at mommy na si Korina Sanchez sa panibagong milestone na naman na natamo ng kanyang fraternal twins na sina Pepe at Pilar.

Credit: Korina Sanchez-Roxas Instagram

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Korina sa kanyang Instagram account ang isang video kung saan mapapanood sina Pepe at Pilar na marunong ng magsalita ng kanilang pangalan at edad.

Kahit noong una ay hindi pa nasagot nang tama ng dalawa ang tanong ni Korina na “What’s your name?”, sa huli mapapanood na nakuha rin nilang masabi ang kanilang mga pangalan nang tama.

Credit: Korina Sanchez-Roxas Instagram

Ipinagmalaki ni Korina na pagkatapos lang niyang malayo ng ilang linggo sa kanyang mga anak, ay alam na ng kambal kung paano sabihin ang kanilang pangalan at edad.

Aniya sa caption ng IG video, “MILESTONE. Guess what?! When I came back home days ago after weeks of being away…Pilar and Pepe can now say their names and even know how to say how old they are.”

Lubos na kaligayahan din ang nararamdaman ni Korina nang marinig sa kambal ang salitang ‘Mama’
Aniya, “super sarap” daw sa pakiramdaman bilang isang ina.

Credit: Korina Sanchez-Roxas Instagram

Sumasang-ayon naman si Korina sa mga netizen na nagsasabing napaka-cute at adorable nina Pepe at Pilar habang sinasabi ang kanilang pangalan.

Credit: Korina Sanchez-Roxas Instagram

Ito ang mga komento na natanggap ng post ni Korina mula sa kanyang mga follower.

“OMG! Biggie na talaga kayo Pepe n Pilar😘… kagigil lalo so gwapo and pretty!”

“Pakacute mga babies na ito πŸ’œ”

“nakakatuwa ang kambal..Ang ganda ganda ni pilar😍😍😍”

Credit: Korina Sanchez-Roxas Instagram

“Cant help watching this post over-and-over… kakatuwa!!!😍😍😍”

“Super cute, napakabilis lumaki grabe ambilis ng panahon”

“Awww, Pepe’s calling “Mama, Mama” sarap pakinggan😍😍😍”

Credit: Korina Sanchez-Roxas Instagram

Ipinagbuntis sila Pilar at Pepe sa pamamagitan ng IVF at ipinagbuntis ng isang surrogate mother. Ipinanganak sila noong February 12, 2019 at kasalukuyang isang taon at anim na buwan na sina Pepe at Pilar. Bilang mga bagong magulang ay excited na sina Korina at Mar sa mga susunod na achievement ng dalawa.