KC Concepcion, ibinahagi ang naranasang pangmamaliit sa kanya ng isang salesperson habang namimili siya ng mamahaling bag

Ikinuwento ng aktres at fashion icon na si KC Concepcion na minsan ay naranasan niyang maliitin ng isang salesperson habang namimili siya ng mamahaling bag sa Los Angeles, California.

Credit: @itskcconcepcion Instagram   

Sa part 2 ng vlog ni KC na “My Bag Collection”, ibinahagi niya ang mga kwento sa likod ng kanyang mga pagmamay-aring designer bag. Kasama na nga rito ang pangmamaliit sa kanya ng isang salesperson habang binibili niya ang kanyang pagmamay-aring bag na mula sa isang sikat na French luxury brand.

Credit: @itskcconcepcion Instagram

Simula ni KC, “Yves Saint Laurent, in all my college life, was my favorite brand. I found it really matched with personality. It was edgy. I loved the blazers, I loved the androgynous feel. I just really, really liked what YSL stood for, and I made sure that I had my fair share of YSL purses in my collection.”

Ibinahagi nga ni KC na hindi naging maganda ang trato sa kanya ng salesperson nang binili niya ang mga bag.

Kwento ni KC, “I bought these in Los Angeles, and the salesperson looked at me and said, ‘Oh, you’re looking for YSL purses? YSL purses are very expensive.’

Credit: Kristina KC Concepcion YouTube

Sinagot naman daw ito ni KC ng, “Yes, I would just like to see them. I want to see what you have. I want to see what’s in store.”

Ngunit nagpumilit pa riin daw ang salesperson sa pagsabi na mahal ang mga tinitinda nilang bags, “Yes, but they’re very expensive.”

Credit: Kristina KC Concepcion YouTube

Sumagot muli si KC at sinabing, “I’m not asking if they’re expensive or not expensive, I’m asking to see the designs…”

Dagdag niya, “And then pinakita niya sa ‘kin ‘yung suede. Pinakita niya ‘yung parang maliit na version tapos sabi niya, ‘That’s less expensive than that other one.’ Tiningnan ko lang siya tapos sabi ko, ‘Okay. I’m not asking for the price yet because I have to decide if I like what it makes me feel.’ … They showed me the mini version of [both of these bags] and I liked both in the larger version. So I asked for it, and they answered me by saying, ‘Oh, it’s too expensive.”

Credit: Kristina KC Concepcion YouTube

At dahil nga sa hindi magandang pagtrato na nakuha niya mula sa sales man, nagpasya si KC na ibigay na lamang sa ibang tao ang komisyon sa pagbili niya ng bag.

Ani KC, “Long story short, I didn’t give the commission to this guy. I just didn’t think it was right. I didn’t think it was proper. You hear about these stories all the time and you hear about customers getting that treatment. I honestly don’t even know what the issue was. He was obsessed about how much things cost before I could even decide if I like the design… Anyway, the commission went to someone else.”