Kathryn Bernardo, ibinahagi ang koleksyon niya ng mga designer bag na may ‘sentimental value’ sa kanya

Maraming kababaihan ang nagi-invest sa mga magagandang bag. Isa na nga rito ang aktres na si Kathryn Bernardo.

Credit: Kathryn Bernardo YouTube      

Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinakita ni Kathryn ang ilan sa mga paborito niyang designer bag na palagi niyang ginagamit at may sentimental value para sa kanya.

Credit: Kathryn Bernardo YouTube

Kabilang dito ang unang designer bag na nabili niya na isang red Louis Vuitton Speedy. Ayon kay Kathryn, hindi siya mahilig sa mga malalaking bag kaya naman karamihan sa mga bag niya ay maliliit lamang.

May sentimental value rin para kay Kathryn ang kanyang black Chanel Boy bag na birthday gift niya para sa kanyang sarili noong nagdiwang siya ng kanyang 18th birthday.

Credit: Kathryn Bernardo YouTube

Itinuturing din ni Kathryn na “super special” ang kulay rainbow na Chanel Boy bag niya dahil regalo ito ng nanay ni Daniel na si Karla Estrada sa kanya.

Credit: Kathryn Bernardo YouTube

Pinakaiingatan naman ni Kathryn ang kanyang yellow Louis Vuitton Speedy Cube bag dahil ibinigay umano ito ni Daniel sa kanya noong nagsisimula pa lamang ito sa showbiz.

“Actually hindi ko nga ‘to masyadong nagagamit because of the color but this is very special kasi bigay ‘to saken ni DJ nu’ng nag-sstart palang siya. Kasi favorite ko ‘yung color yellow,” kinikilig na saad ni Kathryn.

Credit: Kathryn Bernardo YouTube

Ilan pa sa mga paboritong designer bag na ipinakita ni Kathryn ay ang kanyang Balenciaga Motorcycle (City) na nabili niya sa Barcelona, Spain noong ginagawa niya ang pelikula nila ni Daniel na “Barcelona: A Love Untold” at ang kanyang Loewe Hammock bag na katas umano ng kanyang pagsisikap, luha at sakit nang ginawa niya ang pelikula nila ni Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye” sa Hong Kong.

Credit: Kathryn Bernardo YouTube

Ikinuwento ni Kathryn na mas nagi-invest talaga siya sa mga bag kaysa sa mga sapatos dahil mas nagagamit umano niya ang mga ito kapag nagta-travel siya.

“More than shoes, nag-invest ako sa bags kasi mas nagagamit ko siya when I’m traveling,” lahad ni Kathryn.

Nilinaw naman ni Kathryn na pinaghihirapan niya ang lahat ng mga bagay na mayroon siya. Hindi umano siya iyong tipong kapag mayroong gusto ay nakukuha agad.

Credit: Kathryn Bernardo YouTube

Paglilinaw ni Kathryn, “Hindi naman every time na may gusto ako nakukuha ko lang siya in a just a snap. I have to work hard for it and I have to ask my mom kung okay ba sa kanya, dapat good mood siya.”

Samantala, para naman kay Kathryn mabuti na paminsan-minsan ay bigyan natin ang ating mga sarili ng ‘reward’ dahil mas namo-motivate umano tayo nitong magtrabaho.

May payo rin si Kathryn para sa mga nagbabalak na bumili ng mga mamahaling bag para sa kanilang sarili.

Ani Kathryn, “Kapag bibili ka ng bag, you make sure na kung anong fit sa lifestyle mo and something na classic para hindi mo pagsisihan over the years.”