JC Santos, ibinunyag na muntik na siyang tumigil sa pag-arte para magtayo ng food delivery business upang tustusan ang kanyang pamilya ngayong panahon ng p@ndemya

Malaking hamon para sa marami na nagtatrabaho sa Entertainment industry kung paano makakapag-adjust sa epekto ng p@ndemya sa kanilang trabaho. Bukod kasi sa ipinasara ang mga sinehan, ilang beses na rin natigil ang mga shooting ng mga palabas at pelikula dahil sa mga ipinapatupad na qu@rantine.

Credit: @j.c.santos Instagram

Isa nga ang aktor at singer na si JC Santos sa napakaraming artista na sobrang nag-alala na mawalan ng trabaho noong magsimula ang p@ndemya. Para kay JC, napakalaking hamon ang kaalaman na hindi niya alam kung anong oras siya makakapagtrabaho.

Ani JC, “Challenging iyong idea na hindi ko alam kung magkakatrabaho ako. Actually iyon iyong pinakamahirap. Hindi ko alam kung kailan magkakatrabaho, at siyempre, nasanay ka na every month, may dumarating, alam mo iyon?”

Credit: @j.c.santos Instagram

Nakadagdag din sa hirap ni JC nang magsara ang kanilang network na ABS-CBN. Siyempre, hindi rin nawawala ang kanyang takot sa c0vid.

“Tapos biglang, uy, wala! ‘Tapos nagsara yung network. ‘Tapos hindi mo alam kung ano’ng mangyayari bukas, ‘tapos, lumalala iyong [C0VID-19] cases. So that was really bad for me,” sabi ni JC.

Ikwenento rin ni JC sa panayam sa kanya ng Pep ph noong March 29 para sa pelikulang pinagbibidahan niya na “Dito at Doon”, kung paano muntikan na siyang magdesisyon na tumigil na lamang muna sa pag-arte para magtayo ng kanyang sariling negosyo na food delivery ngayong p@ndemya upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Credit: @j.c.santos Instagram

Si JC at ang kanyang asawang si Shyleena Herrera ay mayroong isang anak na babae na si Baby River Aletheia na mahigit isang taong gulang pa lamang.

Kwento ni JC, “Umabot na ako sa nagba-browse na ako ng motor ‘tapos sinabihan ko na iyong wife ko na, ‘Magluto ka, ilagay natin sa garapon, ide-deliver ko na. ‘Papunta na ako sa, ‘Itigil ko na muna kaya itoong shooting-shooting?’ Kasi kailangan…andun na ako sa pambayad ng bills at future, e.”

Credit: @j.c.santos Instagram

Gayunpaman, sa kabila ng kanyang mga pag-aalala ay sinabi ni JC na natutunan niyang maging positibo ngayon dahil sa kanyang anak.

Aniya, “Pero the part na I have a newborn and I’m taking care of her, so sobrang nagbago iyong mindset ‘tsaka yung emotional side ko. At iyon yung good side na nangyari sa akin nung l0ckdown nung 2020.”

Credit: @j.c.santos Instagram

Samantala, plano naman ni JC at ng kanyang asawa na magbakasyon at mamasyal sa ibang panig ng mundo kapag naging maayos na umano ang lahat kasama ang kanilang anak.