Ivana Alawi, inamin na ang hirap na naranasan niya noon ang nagtulak sa kanyang tumulong sa ibang tao ngayon

Malayo na talaga ang narating ng YouTuber at s3xy actress na si Ivana Alawi. Ang kanyang mga nakakatuwang vlog ay nagbigay daan sa kanyang kasikatan kung saan ipinakita niya hindi lamang ang kanyang kagandahan at kaseksihan kundi pati na rin ang kanyang busilak na puso pagdating sa mga taong nangangailangan. Dahil sa kanyang kabaitan sa pagtulong sa ating mga kababayan na mahirap at nangangailangan, si Ivana ay hinahangaan at nagsisilbing inspirasyon sa marami ngayon.

Credit: @ivanaalawi Instagram

Ngunit ang hindi alam ng karamihan bago natamasa ni Ivana ang buhay na mayroon siya ngayon, naranasan muna niya at ng kanyang pamilya ang pakiramdam ng walang-wala sa buhay.

Ito ang ibinahagi ni Ivana nang makapanayam siya ni Jolina Magdangal sa Kapamilya talk show na ‘Magandang Buhay.’

Credit: @ivanaalawi Instagram

Ikwenento ni Ivana ang hirap na pinagdaanan ng kanyang pamilya noong hindi pa siya pumapasok sa showbiz. Kabilang nga rito ang pangungutang ng kanyang inang si Fatima para lamang may makain sila. At kung minsan nga raw, kapag walang mautangan ang kanyang Mama Fatima ay wala silang ibang pagpipilian kundi ang kumain na lamang ng kanin at toyo.

Credit: @ivanaalawi Instagram

Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin si Ivana dahil naranasan niya ang lahat ng paghihirap sa buhay dati. Ito raw kasi ang nagbibigay daan sa kanya upang maging bukas ang kanyang pag-iisip para makita ang sitwasyon ng ibang tao.

Ayon pa kay Ivana, ito ang nagtulak sa kanya upang tulungan ang mga nangangailangan dahil alam niya ang pakiramdam ng walang-wala sa buhay.

Kwento pa ni Ivana hindi niya kayang magsaya nang magsaya lang habang maraming tao ang nagugutom at nangangailangan ng tulong.

Credit: @ivanaalawi Instagram

Kaya makikita natin sa kanyang mga vlog kung gaano siya ka-hands-on sa pamamahagi ng tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng p@ndemya ang kabuhayan at maging noong nanalasa ang bagy0 sa bansa.

Sa kanyang mga “give back to community” project ay napapa-iyak ni Ivana ang lahat dahil walang pag-aalinlangan niyang tinutulungan ang ibang tao mula sa mga biyayang natatanggap niya sa Panginoon.

Para nga kay Ivana, ang lahat ng mga biyayang natatanggap niya mula sa Panginoon ay may dahilan at ito ay para maibahagi niya sa iba.

Credit: @ivanaalawi Instagram

Kaya naman ngayong panahon ng p@ndemya kung saan marami ang nangangailangan ay ginagawa ni Ivana ang lahat kasama ang kanyang pamilya para sa kanilang sariling paraan ay makapaghatid sila ng tulong sa ibang tao.