“Imortal” stars na sina Bryan Santos at Marlann Flores, ikakasal na!

Anila, ang pagkakaibigan ay isang magandang pundasyon ng isang masaya at pangmatagalang pagsasama.

Credit: @marlannflores Instagram

Kaya naman ang mga taong naging asawa ang kanilang matalik na kaibigan ay napakasaya at nagpapasalamat sapagkat natagpuan nila ang parehong pagkakaibigan at pag-ibig sa iisang tao.

Nahanap naman ng celebrity couple na sina Bryan Santos at Marlann Flores sa isa’t isa ang parehong pagkakaibigan at pag-ibig.

Credit: @marlannflores Instagram

Matapos kasi ang siyam na taon na pagiging magkasintahan ay handa na silang ilagay sa next level ang kanilang relasyon.

Nitong February 14, masayang ibinalita nina Bryan at Marlann na ikakasal na sila. Sa kanyang Instagram account, isang litrato ang ipinost ni Marlann kung saan makikita siyang may hawak na isang bouquet ng pink flowers sa isang kamay habang hawak naman ni Bryan ang kanyang isang kamay na may suot na engagement ring.

Credit: @marlannflores Instagram

Ayon kay Marlann, halos hindi siya makapaniwala na fiancè na niya ngayon ang kanyang ‘best friend’.

“Happy Hearts Day! 💕 My best friend is now my fiancé! It feels surreal… Somebody pinch me!!! I love you so much, @bryanjsantos_! You are my answered prayer. God’s timing is indeed perfect! And so the adventure begins… #TheOneWithTheProposal 💍,” sulat ni Marlann sa caption.

Para naman sa kanyang parte, nag-post si Bryan sa kanyang Instagram ng isang magandang larawan ng kanyang soon-to-be-bride na kinunan mula sa Twin Lakes Hotel sa Tagaytay City na tila ang lugar kung saan ginanap ang kanyang wedding proposal.

Credit: @marlannflores Instagram

Mula naman sa Bible verse na Genesis 2:24 ang isinulat na caption ni Bryan sa kanyang Instagram post.

“Therefore a man shall leave his father and mother and hold fast to his wife, and the two shall become one flesh. So they are no longer two but one flesh. #TheOneWithTheProposal 💍,” caption ni Bryan sa kanyang Intagram post.

Matatandaan na unang nagkakilala sina Marlann at Bryan sa Kapamilya teleserye na “Imortal” taong 2011. Nagsimula naman silang mag-date nang magwakas ang “Imortal”.

Credit: @marlannflores Instagram

Si Bryan ay kilala bilang pamangkin ni dating ABS-CBN President Charo Santos-Concio at Star Cinema head Malou Santos. Unang proyekto naman ni Bryan ang “Imortal” kung saan ipinamalas niya ang kanyang husay sa pag-arte.

Credit: @marlannflores Instagram

Samantalang si Marlann ay nagsimula bilang isang beauty queen bago pumasok sa showbiz noong 2010 bilang bahagi ng cast ng remake ng 1990’s series na “Gimik”.