Heart Evangelista, ipinakita kung paano siya namimili ng mga damit at accessories sa ukay-ukay at tiangge

Pinatunayan ng isa sa mga tanyag na fashion icon ng bansa at actress-vlogger na si Heart Evangelista na ang ganda at istilo ng mga suot niyang damit ay hindi nakasalalay sa mga presyo nito.

Credit: Love Marie Escudero Instagram     

Sa kanyang “Ukay-ukay shopping with me: Sorsogon Edition” vlog ay pinatunayan ni Heart na kaya niyang gumawa ng iba’t ibang outfit na pasok ng pang-fashion week suot lang ang mga damit at accessories na nabili niya sa ukay-ukay at tiangge.

Dahil nami-miss na ni Heart ang pumunta sa mga fashion week, naisipan nitong suyurin at puntahan ang iba’t ibang ukay-ukay store at small boutiques sa probinsya ng Sorsogon.

Credit: Love Marie Escudero Instagram

Aniya sa deskripsyon ng vlog, “If you’ve seen my Instagram stories lately, then you’d know how much I’m missing Fashion Week. 😢 So, I decided to go on a little fashion quest and see treasures I could find here in Sorsogon. On this episode, you’ll see me going around different thrift shops and ukay-ukay stalls and trying on my favorite finds, Fashion Week style (after we disinfected them, of course)! 😉”

Credit: Love Marie Escudero Instagram

Sa katunayan, iba’t ibang pares ng damit ang nagawa niyang ipagsama para makagawa ng fashion week inspired outfits.

Ibinahagi rin ni Heart ang kanyang ritwal sa paglilinis ng mga nabiling ukay-ukay bago suotin ang mga ito.

Ikinuwento niya na bukod sa paglilinis sa mga ito gamit ang detergent powder at disinfectant spray ay gumagamit din siya ng Holy Water para panglinis sa mga ito.

Credit: Love Marie Escudero Instagram

Aniya, “I do believe in cleansing your old stuff, like stuff that weren’t really yours. I do believe in the concept of “Familiar Spirits”. Sometimes they say that “malas” can be passed over. You have to make sure that you cleanse it, clean it, and cleanse it spiritually because that’s very important, for me. It’s something personal that I usually do.”

Credit: Love Marie Escudero Instagram

Karamihan sa mga nabiling damit ni Heart ay nagkakahalaga ng 20 pesos. Kabilang dito ang nabili niyang green polka dot dress, reversible cheongsam top, qipao top, white polo at isang sailor moon inspired top. Nakabili rin sila ng pants, skirt, belt at bags.

Credit: Love Marie Escudero Instagram

Sa kabuuan ay naglalaro mula 20 hanggang 260 ang presyo ng mga ukay-ukay na kanilang nabili.

Samantala, sa panayam ng 24 Oras kay Heart ay sinabi nitong, “It’s not about the price. It’s about styling yourself. It’s about how you carry the clothes. It’s about your personality and the rest will follow.”

Komento naman ng netizens:

Credit: Love Marie Escudero Instagram

“She really is a fashionista. She was able to make the looks like they are from any designer clothes “

“Heart is simply classy. She can wear a “daster” or “sako” and it will look amazing and expensive”

“this vlog really proves that fashion is not expensive it’s an art”