Heart Evangelista, inaming naranasang i-libre ng kanyang assistant ng hapunan dahil 30 pesos na lamang ang kanyang pera

Ipinanganak sa isang mayamang pamilya at isang artista, maraming tao ang naniniwala na si Heart Evangelista o Love Marie Ongpauco sa tunay na buhay, ay hindi kailanman nakaranas na maubusan ng pera sa kanyang bulsa.

Credit: @iamhearte Instagram

Ngunit ibinunyag ni Heart na mayroon ding panahon sa kanyang buhay na wala siyang pera sa kanyang pitaka sa puntong hindi niya kayang bumili ng hapunan para sa kanyang sarili.

Sa isang sit-down ‘chikahan’ kasama ang kanyang malapit at matalik na kaibigan na si Dr. Aivee Aguilar-Teo, binalikan ni Heart ang isang pagkakataon kung saan kinailangan niyang magsikap at kumayod para kumita ng pera upang suportahan ang kanyang sarili.

Credit: @iamhearte Instagram

Sa kanilang chikahan, ibinahagi ni Heart na noong 2007 ay umalis siya sa poder ng kanyang mga magulang at sa panahon na iyon ay ginagawa niya ang Kapamilya teleserye na ‘Hiram na Mukha’.

Matatandaang sa loob ng taong iyon ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Heart at ang kanyang mga magulang na sina Rey Ongpauco at Cecilia Ongpauco.

Ayon kay Heart, gusto talaga ng kanyang ina na maghirap siya sa puntong wala na siyang magawa kundi bumalik na lamang sa kanila.

Credit: @iamhearte Instagram

Ibinunyag ni Heart na talagang labis siyang nahirapan noong ginagawa niya ang nasabing teleserye dahil kailangan niyang magsuot ng prosthetics ng mahabang oras.

Kwento ni Heart, wala umano siyang pagpipilian sa mga oras na iyon kung hindi tiisin ang pagsusuot ng prosthetics hanggang alas-3 ng madaling araw dahil kailangan niyang kumita ng pera.

Pagbabalik-tanaw pa ni Heart, “Super prosthetics. It was the hardest thing I’ve ever done. Ang hirap kumita ng pera. And that was when I left my parents. So, that’s the first thing around so I have to start from the scratch.”

Dagdag niya, “So, change of lifestyle din ako from my Mom to ‘simplicity is beauty’. And I have to do this because I have no money at that time. We really did, it was super torture. Grabe ‘yan, tinawagan ko ‘yung manager [and told her] ‘I can’t do this anymore’, kasi I had to keep the prosthetics ’til 3 am the next day.”

Credit: @iamhearte Instagram

Isang oras nga ay talagang wala nang natirang pera si Heart sa kanyang ATM account kundi 30 piso na lamang.

Dumating nga sa punto na nilibre na lamang si Heart ng kanyang assistant dahil wala na siyang perang pambili ng hapunan.

Kwento ni Heart, “Si Ate Resty, nanglibre sa akin sa [Japanese] restaurant dahil wala akong pera. 30 pesos lang ang laman ng ATM ko so, wala akong pang-dinner. Si Ate Resty made me libre to a Japanese restaurant.”

Credit: @iamhearte Instagram

Sa huli ay masaya si Heart dahil marami siyang aral na natutunan mula sa kanyang karanasan.