Ex-PBB housemate na si Tibo Jumalon at kakambal ni Jinkee Pacquiao na si Janet Jamora, winelcome ang kanilang baby!

Isinilang na ng kambal ni Jinkee Pacquiao na si Janet Jamora ang anak nila ni dating Pinoy Big Brother housemate Steve “Tibo” Jumalon. Masayang ibinalita ni Tibo nitong January 9 ang pagsilang ni Janet sa kanilang anak.

Credit: @steve_jumalon Instagram

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Tibo ang ilang litrato ng anak nila ni Janet. Makikita sa mga litrato na bouncing baby boy ang isinilang ni Janet. Kalakip naman ng mga litrato na ipinost ni Tibo ang isang Bible verse.

“1 Samuel 1:27 ‘I prayed for this child, and the Lord has granted me what I asked of Him,” sulat ni Tibo sa caption ng kanyang Instagram post.

Credit: @steve_jumalon Instagram

Dagdag niya, “Glory to God”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pbb tibo (@steve_jumalon)

Matatandaang July 14 noong nakaraang taon nang ibinalita ni Janet sa isang Instagram post ang kanyang pagbubuntis. Isang litrato ang ipinost niya kung saan ay ibinahagi niya na siya ay 12 linggong buntis na.

Idinaan naman ni Jinkee sa isang Instagram post ang pagbati niya para sa kanyang kambal.

Noong September 8 ay isang gender reveal party ang inorganisa nina Janet at Tibo sa General Santos City kung saan nalaman nila na lalaki ang kanilang magiging anak.

Credit: @steve_jumalon Instagram

Samantala, bumuhos naman ang pagbati para kina Janet at Tibo sa pagdating ng kanilang anak. Kabilang sa mga bumati kina Janet at Tibo ang aktres na si Melai Cantiveros na matatandaang itinanghal bilang big winner ng “Pinoy Big Brother: Double Up” edition noong 2010 kung saan unang nakilala si Tibo.

Kasama rin sa mga bumati ang reporter at malapit kina Jinkee at Janet na si Dyan Castillejo.

Madalas makita ng publiko si Janet kasama ang kanyang kambal na si Jinkee. Katulad ni Jinkee ay mahilig din sa fashion at traveling si Janet na makikita sa mga litrato na ibinabahagi niya sa kanyang Instagram account.

Credit: @steve_jumalon Instagram

Ayon sa mga balita, unang nagkakilala sina Janet at Tibo sa Las Vegas City. February 2016 naman nang ikinasal sina Janet at Tibo sa isang beach wedding sa Isla Jardin resort sa Glan, Sarangani Province.

Sa kasalukuyan ay nakabase na sa General Santos City si Tibo na tubong Cagayan de Oro City matapos pakasalan si Janet.