Cute ‘hiccup’ video ng anak nina Coleen Garcia at Billy Crawford na si Amari, nag-viral sa social media

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan ng netizens nang malapitan ang napaka-cute na panganay na anak nina actress Coleen Garcia at singer-host Billy Crawford na si Amari.
Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Coleen ang video ni Baby Amari habang sumisinok ito.

Credit: Billy Crawford instagram

Caption ni Coleen sa Instagram post, “One week old today.”Mukhang first time maranasan ni Baby Amari ang suminok dahil isang linggo pa lang ang nakalipas mula nang isilang siya ng kanyang Mommy Coleen.Napakabait naman tingnan ni Baby Amari habang sumisinok ito.

Credit: Billy Crawford instagram

Litaw na litaw din ang kapogian nito sa naturang video.Na-love at first sight naman ang first time parents sa kanilang napaka-adorable na anak.Samantala, ito ang unang pagkakataon na nagbahagi si Coleen ng video ni Baby Amari sa social media. Sa comment section ng naturang video ay bumuhos ang iba’t ibang reaksyon ng netizens.

Credit: Billy Crawford instagram

Hindi na nakapagtataka kung bakit sinusubaybayan ng netizens ang paglaki ni Baby Amari dahil kagaya ng ibang anak ng mga sikat na artista ay certified Instagram baby ito.
Sa katunayan, isang araw pa lang ang makalipas nang ibahagi ni Coleen ang video ni Baby Amari ay umabot na kaagad ng mahigit 1 million ang views nito.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Samantala, masaya naman ang netizens dahil hindi na pinatagal nina Coleen at Billy ang pagbubunyag sa mukha ni Baby Amari.Sa araw kasi na nanganak si Coleen, September 10, ay siyang araw din na ini-reveal nila ang mukha nito.Kahit hindi naman gaanong mahaba ang video na ibinahagi ni Coleen ay sapat lang ito para matingnan ng netizens kung sinong kamukha nito.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Para sa netizens, hindi raw maipagkakaila na kamukha ni Baby Amari si Coleen.
“Sorry Billy, your boy is super handsome like you but baby look just like Mama!!! Miss y’all and we can’t wait to see you guys””Soo cute looks like Coleen, thanks for sharing the photo and video of your little cute one. Yung iba kc tinatago pa face ng baby nila…”

 

View this post on Instagram

 

One week old today 🥺💙

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen) on


“xerox copy ni coleen””kamukha ng papa mo coleen super pogi””He does look like you @coleen! @billycrawford bawi sa next one bro” “Pogi boy!!!!”