Comedian na si Giselle Sanchez, isa nang ganap na beauty queen at kinoronahan bilang Noble Queen of the Universe International

Nasungkit ng aktres at komedyante na si Giselle Sanchez ang titulong “Noble Queen of the Universe International” sa katatapos lamang na Noble Queen of the Universe coronation night nitong December 30.

Credit: @gisellesanchez Instagram    

Sa kanyang Instagram, ay ibinahagi ni Giselle ang kanyang larawan suot ang kanyang korona at sash.

Isa si Giselle sa mga nag-uwi sa limang korona na pinaglalabanan ng 16 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Credit: @gisellesanchez Instagram

Bukod naman sa titulong “Noble Queen of the Universe International” ay nagwagi rin si Giselle bilang “Noble Queen of Social Media” at “Nobel Ambassadress of Humanity”.

Sa kanyang post ay pinasalamatan naman ni Giselle ang lahat ng sumuporta sa kanya sa kanyang beauty queen journey.

Credit: @gisellesanchez Instagram

Ani Giselle, “This is my final takeaway for 2020 and I thank God and the entire Philippines who supported me in my journey. I also would like to thank everyone who supported me in social media as I am also the winner of the Noble Queen of social media and noble ambassadress of humanity.”

Nagpapasalamat din si Giselle sa aktres na si Patricia Javier at sa asawa nitong si Rob Walcher na nag-sponsor umano sa kanya para sumali sa nasabing pageant.

Matatandaang si Patricia ang kumumbinsi kay Giselle para sumali sa Noble Queen pageant.

Credit: @gisellesanchez Instagram

Ani Giselle, “I was finally convinced when Patricia told me that I can use the Noble Queen Pageant as a platform to get more donors so I can help more homeless families which is my advocacy.”

Dagdag niya, “And now, in a few days I will be blessing a newly constructed home for a homeless family courtesy of the Noble Queen franchise. I am so blessed that I have found this sisterhood who has fully supported my advocacy to help the homeless and provide food, Shelter and sustainable livelihood for them.”

Credit: @gisellesanchez Instagram

Samantala, sa caption ng kanyang post ay binati rin ni Giselle ang mga kapwa niya kandidata na nag-uwi rin ng mga major title.

Credit: @gisellesanchez Instagram

Kasama rito sina Miss USA Southern California Maegan Camaisa na nag-uwi sa titulong “Noble Queen Universe”, Miss India Aditi Ahuja na kinoronahan bilang “Noble Queen Globe”, Miss USA West Coast Janine Streetman na nagwagi bilang “Noble Queen Tourism” at Miss USA Rhonda Renee Swan na nakuha ang titulong “Noble Queen Earth”.