Celebrity stylist Liz Uy, engaged na at masayang ipinakita ang kanyang engagement ring sa publiko

Masayang inanunsyo ni celebrity stylist at fashion icon Liz Uy na siya ay engaged na sa kanyang businessman boyfriend na si Raymond Racaza. Idinaan ni Liz ang anunsyo sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Credit: Liz Uy Instagram        

Nitong October 27, ay nag-post si Liz sa kanyang Instagram ng isang letrato niya. Maliban sa kanyang stylish oversized suit ay nakaagaw-pansin sa atensyon ng netizens ang kumikinang na diamond ring na kanyang suot.

Credit: Liz Uy Instagram

Mababakas sa mukha ni Liz ang kasiyahan na nararamdaman dahil sa wakas ay engaged na sila ni Raymond.

Caption ni Liz sa kanyang Instagram post, “In all lifetimes, always a yes [ring emoji]”

Credit: Liz Uy Instagram

Bumuhos naman kaagad ang congratulatory messages mula sa kanyang mga celebrity friend. Kabilang sa mga nagkomento sa Instagram post ni Liz ay ang kanyang matalik na mga kaibigan na sina Raymond Gutierrez, BJ Pascual, Solenn Heaussaff, Vice Ganda at Georgina Wilson.

Credit: Liz Uy Instagram

Komento ni Raymond, “OMG IM SO HAPPY WE CAN SHARE TO THE WORLD. Congrats on your engagement!!!!!…You’re officially stuck with two Raymond’s your entire life.”

Credit: Liz Uy Instagram

Ani BJ, “Congratulations!!!!Love you!!!”

Reaksyon ni Solenn, “Woot woot!!!”

Biro ni Vice, “O loko!”

Credit: Liz Uy Instagram

Saad ni Georgina, “Love you”

Nagpahayag din ng kanilang pagbati ang iba pang celebrity kagaya nina Alex Gonzaga, Mariel Padilla at Divine Lee.

Credit: Liz Uy Instagram

Sa mga hindi nakakaalam, ay mayroong isang anak sina Liz at Raymond na si Xavi. Ipinanganak ni Liz ang anak noong September 2017 ngunit noong March 2018 lamang nang isinapubliko niya na mayroon na siyang anak.

Credit: Liz Uy Instagram

Ayon sa kwento ni Liz, nagkakilala sila ni Raymond sa isang business meeting. Ipinakilala umano siya ng kanyang matalik na kaibigan at kaibigan din ni Raymond na si TV actress-model Isabelle Daza.

Credit: Liz Uy Instagram

Matatandaang taong 2018 nang mapabalita ang relasyon nina Liz at Raymond. Gayunpaman, hindi pa noon kinumpirma ng celebrity couple ang kanilang relasyon.

Credit: Liz Uy Instagram

Si Raymond ay dating kasal kay Dr. Geraldine Zamora kung saan ay mayroon siyang isang anak na babae. Ayon sa mga balita, January 2018 pa nang napawalang-bisa ng korte ang kasal nina Raymond at Geraldine.