“Bulilit no more”: “Hopia” ng Goin’ Bulilit, engaged na sa kanyang first and only love!

“Bulilit no more”

Credit: @trinalegaspi Instagram          

Ito ang nagkakaisang sigaw ng mga netizen matapos inanunsyo ng dating “Goin’ Bulilit” star na si “Hopia” o Katrina “Trina” Legaspi sa totoong buhay na siya ay ikakasal na.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Noong November 28 ay masayang ibinalita ni Trina na siya ay engaged na sa kanyang longtime boyfriend na si Ryan Jarina.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Matapos ang anim na taon nilang pagiging magkasintahan ay handa na sina Trina at Ryan na ilagay sa next level ang kanilang relasyon.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Sa kanyang Instagram, ay ibinahagi ni Trina ang ilang larawan kuha mula sa wedding proposal ni Ryan. Sa mga larawan ay makikita si Katrina na emosyonal at naluha na lamang sa labis na kasiyahan habang nagpo-propose sa kanya ang kanyang boyfriend.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Ikwenento naman ni Trina sa caption na hindi siya nagdalawang-isip na ibigay ang kanyang matamis na ‘oo’ kay Ryan.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Base sa petsa na inilagay ni Trina sa kanyang caption, noong November 22 pa nag-propose sa kanya si Ryan.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Aniya, “11/22/20 6 years together and forever!! 💍 Without a doubt, in a heartbeat, I said YES! ❤️”

Ayon pa kay Trina, hindi na umano siya makapaghintay pa na pakasalan ang kanyang ‘first and only love’.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Ani Trina, “I can’t wait to marry my first and only love.”

Dagdag niya, “Finally, malapit na tayong mag-travel na tayong dalawa lang! ✈️ “

Masayang ikwenento rin ni Trina na nasurpresa siya sa proposal ni Ryan.

Saad niya, “Yey!! Grabe Babe, na-SURPRISE talaga ako, akala ko ‘nung una ‘di pa para sakin ‘yung proposal! Hahaha! 😅”

Credit: @trinalegaspi Instagram

Nangako naman si Trina na ibabahagi niya ang kanilang ‘proposal story’ sa kanyang mga tagahanga at sinabing hindi lamang isang prank ang pagpo-propose sa kanya ni Ryan.

Aniya, “I’ll share with you guys our proposal story soon. 🤫 Hindi na ito prank, totoong may kasalang magaganap!! 🤵🏻👰🏻”

Credit: @trinalegaspi Instagram

Sa huli ay labis ang pasasalamat ni Trina sa Diyos sa pagbibigay nito sa kanya ng kanyang ‘destined partner’.

Pag-amin pa ni Trina, sulit daw talaga ang kanyang paghihintay at ngayon ay ‘fiancè’ na niya ang kanyang boyfriend.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Sabi ni Trina, “Thank you Lord for giving me my destined partner. 😍 It’s worth the wait talaga! I love you fiancé!! Yes, fianceeee na 💍👩‍❤️‍💋‍👨”

Samantala, binati naman si Trina ng mga kasamahan niya dati sa “Goin’ Bulilit”. Kabilang sa mga bumati kay Trina sina CJ Navato, Julia Montes, EJ Jallorina at Rhap Salazar. Sa ngayon, ay abala si Trina sa kanyang YouTube channel.