Bubble Gang actress Lovely Abella at mister na si Benj Manalo, nagkaroon ng simpleng date sa isang Paresan sa tabi ng kalye

Para sa marami sa atin, ang Araw ng mga Puso o Valentine’s day ay isang napaka-espesyal na araw. Tuwing Valentine’s day ay todo-effort tayo upang ipakita at ipadama sa mga mahahalagang tao sa ating buhay kung gaano natin sila kamahal.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Nito ngang nakaraang Valentine’s day ay kanya-kanyang diskarte ang bawat celebrity couple upang gawing espesyal ang kanilang pagdiriwang ng araw ng mga puso.

Sobrang espesyal naman para kay “Bubble Gang” actress-dancer Lovely Abella at sa kanyang mister na si TV actor Benj Manalo ang kanilang Valentine’s day ngayong taon dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipinagdiwang nila ito bilang mag-asawa.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Matatandaan na noong January 23 ay ikinasal ang celebrity couple matapos ang limang taon na pagiging magkasintahan.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Lovely kung paano nila ipinagdiwang ni Benj ang Valentine’s day.

Kwento ni Lovely, akala niya noong una ay dadalhin siya ni Benj sa isang mamahaling restaurant kaya naman todo-effort siya sa pagpapaganda.

Nabigla nga siya dahil sa isang Paresan sa may Antipolo City umano siya dinala ni Benj. Ipinost ni Lovely ang mga litrato nila ni Benj na nagdi-date sa isang Paresan na matatagpuan lamang sa tabi ng daan.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Ani Lovely, “‘Yung Excited ako kasi 1st Valentines date namin ng asawa ko, kasama ang friends. 100% effort kasi dapat maganda ako sa paningin niya pero ang ending dinala niya ako sa Paresan na tabi ng kalsada, sa Cogeo antipolo, na pagmamay-ari din ng kaibigan namin @joeyalcantara_ @kelly.harris_ fine dining daw.”

At kahit sa Paresan lamang nila ipinagdiwang ni Benj ang kanilang Valentine’s day ay masayang-masaya pa rin si Lovely.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Kakaibang karanasan nga raw para sa kanya na mag-date sa isang Paresan.

Ani Lovely, “sobrang laughtrip, pero kakaibang experience [‘to] akalain mo kumakain kami na maririnig mo ingay ng tambutso, busina at sigawan ng mga tao.”

Pinasalamatan naman ni Lovely ang kanyang mister dahil wala umano itong palya sa pagpapasaya sa kanya.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Ani Lovely, “Babe salamat sa lahat lagi mo akong napapasaya 🙏🏻🤣 todo effort pa naman kaibigan natin sa heels niya @pernellagonzaga Love you so much baby @benj.. 🥰🥰🥰 #Datesaparesan #valentinesday2021 #BenLy #BenLyandfriends”

Samantala, sa isang hiwalay na Instagram post, ipinaliwanag naman ni Lovely kung bakit sa Paresan siya dinala ni Benj para sa kanilang Valentine’s date.

Ayon kay Lovely, paborito umano ni Benj ang Pares. Bukod pa rito, kahit simple lamang umano ang kanilang naging date ay bongga naman daw ang Valentine’s gift ni Benj sa kanya na isang Hermes bag.

Mapapanood naman sa kanilang YouTube channel ang kabuuan ng kanilang Valentine’s day celebration na mag-asawa.