Bianca Gonzalez, ikwinento kung bakit natagalan ang pagpapatayo nila sa bagong bahay nila ng asawang si JC Intal

Para sa marami sa atin, ang pagpapakasal ay marahil isa sa mga pinaka-espesyal at pinakamagandang kaganapan sa kanilang buhay. Ngunit sa realidad, alam natin na kaakibat ng pag-aasawa ang napakaraming responsibilidad.

Credit: @iamsuperbianca Instagram

Isa naman sa mga talagang pinaghahandaan at kasama sa plano ng bawat mag-asawa ay ang magtayo ng kanilang sariling bahay kung saan nila bubuuin ang kanilang pamilya at palalakihin ang kanilang mga anak.

Maswerte nga na maituturing ng batikang TV host na si Bianca Gonzalez ang kanyang sarili dahil bago pa sila magpakasal ng kanyang mister ngayon na si professional basketball player JC Intal ay may ipinatayo na itong bahay para sa kanya at sa kanilang magiging pamilya. Ito ang ibinunyag ni Bianca nang makapanayam siya ng Pep.ph.

Matatandaang sina Bianca at JC ay na-engaged noong Marso ng 2014 at ilang buwan lamang ang lumipas, noong Disyembre ng parehong taon ay naganap ang kanilang magandang beach wedding sa Palawan.

Credit: @iamsuperbianca Instagram

“I think iyon iyong isa sa mga goals niya before proposing, that we would have a house. Super lucky,” ani Bianca sa nasabing panayam sa Pep.ph.

Kaya’t pagkatapos mismo ng kanilang kasal ay mayroon na silang bahay na titirhan. Ang bahay nga na ipinatayo ni JC ang nagsisilbi nilang tirahan ngayon.

Ngunit sa paglaki ng kanilang pamilya, sinabi ni Bianca na maraming maling bagay sa bahay na ipinatayo ni JC para sa kanila. Dahil dito, nagpasya silang magtayo ng panibagong bahay. Sinabi naman ni Bianca na sa kanilang pagpapatayo ng bagong bahay ay tinitiyak nila ni JC na ang lahat ng mga nakita nilang pagkakamali sa kanilang unang bahay ay maitatama na.

Ani Bianca, “Na-realize niya mali-mali proportions. Hindi mo pa alam e. Like, ang liit pala ng kwarto ng anak na dapat pala malaki. Kasi he doesn’t cook, iyong kusina pala ang nipis, tapos hindi nakakalabas iyong hangin. Things like that.”

Credit: @iamsuperbianca Instagram

“Lahat nung mga gusto namin i-correct dun sa house na iyon, we did it sa new house. We made sure na mas may space na siya, ganyan,” ani ng host.

Samantala, una namang ipinasilip ni Bianca ang kanilang ipinapatayong bahay noong September 2018. Kaya lamang ay hanggang ngayon ay hindi pa ito natatapos dahil na rin maraming beses natigil ang paggawa nito dahil sa p@ndemya.

Credit: @iamsuperbianca Instagram

Sa kabila nito ay hindi naman mapigilan nina Bianca at JC na makaramdam ng excitement dahil pagkalipas ng tatlong taon sa wakas ay malapit nang matapos ang pinapangarap nilang bahay na mag-asawa. Pangarap naman talaga ni Bianca at JC na magkasabay nilang bubuuin ang nasabing bahay.

Credit: @iamsuperbianca Instagram

Ibinahagi rin ni Bianca na plano nila ni JC na tumira sa nasabing bahay hanggang sa tumungtong ng kolehiyo ang kanilang mga anak na sina Lucia at Carmen na sa ngayon ay lima at dalawang taong gulang na.