Beteranong TV host na si Paolo Bediones, isa nang ama at masayang ipinakilala sa publiko ang napaka-cute na anak nila ng kanyang fiancee na si Baby Avery

Isa si Paolo Bediones sa mga pinakamahusay at beterano sa larangan ng television hosting at broadcasting sa Pilipinas.

Ang talento ni Paolo sa pagho-host ay nakatanggap ng maraming mga papuri. Hindi na rin mabilang ang pagkilala at parangal na kanyang natanggap para sa kanyang natatanging husay sa pagho-host. Naging isa rin siya sa mga game at quiz show master sa telebisyon.

Credit: @paolobediones Instagram

Bukod naman sa kanyang successful career, isa sa mga nagbibigay kaligayahan ngayon kay Paolo ang kanyang sariling pamilya na kanyang binuo kasama ang kanyang partner na si Lara Morena.

Kamakailan nang ibinalita nila na sila ay malapit nang ikasal. At ngayong taon, sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinakilala nila sa publiko ang kanilang anak na babae na si Baby Avery.

Si Baby Avery ay ang adopted daughter ni Paolo at Lara na pinagmumulan naman ngayon ng kanilang kaligayahan. Masaya namang niyakap ni Paolo ang mga responsibilidad ng isang tatay simula nang dumating sa kanilang buhay si Baby Avery.

Sa kanyang Instagram account ay ipinapakita ni Paolo kung gaano siya kasaya ngayon bilang isang first-time daddy. Noong April 17 ay ipinost niya ang cute na litrato ni Baby Avery habang naglalaro at sa caption sinabi niya, “Pic says it all [heart emoji] #firsttimedad #cocomelonbaby #44cats”

Kahit abala naman si Paolo sa paggawa ng mga documentary project ay nagagawa niya pa rin na makipag-bonding kay Baby Avery. Mababakas nga sa ngiti at mga mata ni Paolo ang kaligayahan habang nakikipag-bonding kay Baby Avery.

Ibinahagi rin ni Paolo ang mga bagong natutunan niya ngayon bilang isang tatay kay Baby Avery.

Aniya, “Baby bonding eating chips (mama @mylaramorena will scold me) while papa is trying to finish documentation for a new project. Then my office chair and work itself gets hijacked as she insists on watching Garfield.”

Credit: @paolobediones Instagram

Dagdag ni Paolo, “Note to self: baby’s hands are quick and she is capable of multi-tasking. She grabbed the whiteboard marker with her eyes glued to the monitor, uncapped it and…did some art design on her dress. #firsttimedad #girldad #mamanotgonnabehappy”

Samantala, masaya naman ang mga tagahanga ni Paolo para sa kanya sa pagdating ni Baby Avery sa kanyang buhay. Komento nila:

“Congrats! So happy for you!”

“Wow. Congrats Pao! Good for you”

Credit: @paolobediones Instagram

“Congrats!!! My mom (your former yaya) will surely be happy to know that you have now a lovely daughter @paolobediones”

“Congratulations on becoming a new dad sir @paolobediones”