Bea Alonzo, nagbigay ng tour sa kanyang napaka-aliwalas at bagong renovate na bahay

Sa panahon ng qu@rantine ay ilang bahay na rin ng mga sikat na artista at vlogger ang nakita at napasok ng netizens.

Credit: Bea Alonzo YouTube            

Humahabol naman sa listahan ng mga artista na gumawa ng house-tour vlog si Kapamilya actress Bea Alonzo.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Sa vlog, unang ipinakita ni Bea ang kanyang foyer kung saan tampok ang dingding at kisame nito na gawa sa Capiz shells.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Sunod na ipinakita ni Bea ang kanyang opisina na ayon sa kanya ay hindi niya gaanong ginagamit.
Kwento niya, “I don’t really work here. Actually, I place all my memorabilia, my awards, my book collections here.”

Credit: Bea Alonzo YouTube

Main attraction naman sa opisina ang painting ni Bea na likha nina Marc Nicdao, isang Filipino Fashion Photographer at Henry Lamy na isang French Figurative Painter.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Sa living room ng aktres ay atraksyon ang ilan sa mga magagandang furniture ng bahay kagaya ng kanyang diamond chairs, cozy couch at Twiggy floor lamp.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Maliban dito, ipinakita rin ni Bea ang isa sa hindi malilimutang regalong natanggap niya mula sa dating kasintahan na si Zanjoe Marudo na gawa ng isang Filipino artist at world-class brass sculptor na si Michael Cacnio.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Ani Bea, “This was gifted to me by Zanjoe Marudo before. So s’yempre when we broke up I was wondering dapat ba tinatanggal ‘yung mga bagay na meron ka from your ex pero I just find it really beautiful and it reminds me of our good memories.”

Napakalinis at organisado naman ng kanyang kitchen room. Matatagpuan dito ang teapot collection ni Bea. Mahilig ang aktres na magluto kaya’t ang kanyang pantry ay puno ng maraming food at baking supplies.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Huling ipinakita ni Bea ang kanyang lanai area na ginawa niyang art studio. Katabi lang ng lanai ang isang tamang-sukat na swimming pool.

Credit: Bea Alonzo YouTube

“I am going to show you my lanai which I turned into an art studio. I am not a painter. I am not good at painting. But I do it just to relax and to relieve my stress and it’s been doing the job very well,” ani Bea.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Dagdag niya, “I really love this place. Actually, it used to be like a lanai lang or a gazebo na open lang. I placed these french doors because I wanted my mom to be able to relax when she comes over. Kasi hindi na nakakalakad ‘yung mom ko. Naka-wheelchair lang siya.”

Credit: Bea Alonzo YouTube

Ipinatayo ni Bea ang bahay taong 2012 at noong nakaraang taon lang ay ipina-renovate niya ito. Kwento ni Bea sa deskripsyon ng vlog, “It looks so different from how it looked like back when we just built it. It evolved, just like myself. I am thrilled that I’ll be able to share it with you, finally.”