Anne Curtis at asawa nitong si Erwan Heussaff, inireveal kung sino ang gumawa ng “first move” sa kanilang dalawa

Sumalang sa larong “Who’s Who” ang celebrity couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa isang video na mapapanood sa YouTube channel ng isang popular na canned tuna brand.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Iba’t ibang katanungan tungkol sa kanilang relasyon ang sinagot nina Anne at Erwan at una na rito kung sino sa kanila ang gumawa ng “first move”.

Sagot ni Erwan, “I don’t remember.” Ngunit pinilit naman siya ni Anne na sabihin ang totoo.

Ani Anne, “Admit it.” Kaya pag-amin ni Erwan, “I think yeah. I did the first move.”

Credit: @annecurtissmith Instagram

Bilang mag-asawa, gustung-gusto naman nilang sorpresahin ang isa’t isa. Para naman kay Anne, palagi siyang napasasaya ni Erwan kapag sinosorpresa siya nito ng agahan o tanghalian at tuwing ginagawan siya nito ng isang video.

Ani Anne, “Each time he makes a video — I mean I don’t know if I should expect them — but every time he spends so much time editing his videos for me — or even as simple as making a surprise breakfast or surprise lunch that I didn’t expect, you know, I’m always so happy.”

Sa tanong kung sino sa kanila ang “mas clingy”, anila, hindi sila “clingy people”. Ayon kay Erwan, naging clingy lamang daw si Anne nang nagbubuntis ito.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Aniya, “I would say no one. You were clingy when you were pregnant. And then you’re not clingy.”
Pagsang-ayon naman ni Anne, “We’re not clingy people.”

Kilalang fitness enthusiast sina Anne at Erwan na makikita naman sa kanilang mga excercise videos sa kani-kanilang social media account.

Kaya ang tanong, sino sa kanila ang mas higit na nanghihikayat para mapanatili ang kanilang malusog at fit na pangangatawan?

Aminado si Erwan na siya ang mas nagpupush kay Anne na kumain ng masustansya at mag-ehersisyo. Paliwanag naman ni Erwan, kailangan nilang dalawa ni Anne na maging mabuting halimbawa lalo na ngayon na mga magulang na sila.

Credit: @annecurtissmith Instagram

“I’m probably the one who encourages her the most. And I try to just remind her to do some work out or eat healthy. She likes to eat food in general. So, I just try to remind her to kind of eat the right stuff especially since we have a kid now. We have to give a good example,” ani Erwan.

Ibinunyag din ni Erwan na binibigyan niya ng “30 minutes deadline” si Anne tuwing nagdedesisyon sila kung ano ang kakainin.

Depensa namna ni Anne, parati umano siyang “indecisive” pagdating sa pagpili ng pagkain.

Samantalang si Erwan naman ay parating alam kung ano ang kanyang kakainin.

Si Anne at Erwan ay ikinasal noong Nobyembre 2017. Winelcome naman nila ang kanilang panganay na si Dahlia Amèlie noong Marso 2020 sa Australia. At makalipas ang isang taon, bumalik sila sa Pilipinas.