Albert Martinez, ikwenento ang pagkahilig sa sasakyan at ipinakita koleksyon ng mga sasakyan

Kabilang si Albert Martinez sa mga itinuturing na pinakamagaling na beteranong aktor sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Nagsimula bilang isang matinee idol si Albert noong dekada 80 at sa ngayon ay halos hindi na mabilang ang pelikula at teleserye na kanyang pinagbidahan.

Credit: GMA Public Affairs YouTube

Mula noon ay talaga namang hindi kumukupas ang galing sa pag-arte ni Albert. Sa katunayan, marami ang humahanga sa kanya dahil anuman ang role na ibigay sa kanya, mapa-bida o kontrabida man, ay mahusay niya itong nagagampanan kaya naman siya ay tinatawag din na ‘versatile actor.’

Credit: GMA Public Affairs YouTube

Sa mahigit apat na dekada na pagiging aktor niya at sa dami ng kanyang nagawang acting project ay nagawa namang matupad ni Albert ang kanyang mga pangarap sa buhay. Noong hindi pa siya pumapasok sa pag-aartista talagang mahilig na si Albert sa mga sasakyan. Kaya nang kumikita at nagkapera na siya ay ginawa niyang isang uri ng investment ang pagre-restore at pangongolekta ng iba’t ibang uri ng sasakyan.

Credit: GMA Public Affairs YouTube

Noong nakaraang buwan ay ipinasilip ni Albert ang kanyang koleksyon ng mga sasakyan na umabot na ang bilang sa 21 sa Kapuso documentary show na ‘Tunay na Buhay.’

Credit: GMA Public Affairs YouTube

Ayon kay Albert, 1995 nang simulan niya ang kanyang hilig sa pangongolekta ng mga sasakyan. Iba’t ibang uri ng sasakyan ang kinokolekta ni Albert ngunit kapansin-pansin ang hilig niya sa mga classic na sasakyan.

Ibinahagi ni Albert na isa sa mga sasakyan na gustong-gusto niya noon ay ang Mercedez Benz SL convertible. Kaya naman isa ito sa mga sasakyan na talagang pinaghirapan niyang mabili.

Credit: GMA Public Affairs YouTube

Masaya naman si Albert dahil pareho sila ng kanyang unico hijo na si Alfonso na mahilig sa mga sasakyan. Kwento pa ni Albert, ipinapagamit niya kay Alfonso ang kanyang mga sasakyan dahil gusto niyang ma-enjoy nito ang mga pinaghirapan niya.

Samantala, bukod sa pangongolekta ng mga sasakyan ay isang hobby din ni Albert ang mag-off-road driving adventure. Sa katunayan, isa ito sa mga bonding nila ni Alfonso.

Credit: GMA Public Affairs YouTube

Ikwenento rin ni Albert na mahilig siya sa adventure at isa sa mga family bonding nila ng kanyang mga anak ay ang mag-camping sa bundok habang ini-enjoy ang ganda ng kalikasan.

Nakaka-inspire naman talaga ang kwento ng buhay at tagumpay ni Albert. Tunay na kapupulutan ng aral ang kanyang pagpupursige sa buhay upang makamit ang kanyang mga pangarap tulad na lamang ng kanyang pangarap na magkaroon ng sariling mga sasakyan.