Alamin ang naging buhay ng komedyanteng si Super Tekla at kung paano nagsimula ang kanyang karera sa showbiz

Isa ang mga nakakatawang joke o biro ng mga comedian sa mga panandaliang nagpapawala ng ating stress at problema sa buhay. Ang magbigay ng saya at magpatawa nga raw ang numero unong dahilan kung bakit nilikha ang mga comedian.

Credit: @superteklahlibrada Instagram     

Sa Philippine showbiz industry ay maraming mga komedyante ang pumatok sa mga Pinoy dahil sa kanilang husay sa pagpapatawa. Kabilang nga rito si Romeo Librada o mas nakilala ng lahat sa kanyang stage name na Super Tekla o Tekla.

Credit: @superteklahlibrada Instagram 

Ngunit bago ang kanyang tinatamasang kasikatan ngayon, paano nga ba nagsimula si Super Tekla sa kanyang karera bilang isang comedian?

Credit: @superteklahlibrada Instagram

Si Super Tekla ay tubong Pigcawayan, North Cotabato at isa sa walong magkakapatid.

Maagang nawala ang kanilang ina kaya naman kinailangan ni Super Tekla na tumira muna sa kanyang lolo na kalaunan ay namayapa din.

Credit: @superteklahlibrada Instagram

Dahil sa hirap ng buhay, ay bata pa lamang pinasok na ni Super Tekla ang iba’t ibang uri ng trabaho para matustusan ang kanyang pag-aaral.

Credit: @superteklahlibrada Instagram

Hanggang sa sariling sikap ay napagtapos niya ang kanyang sarili sa high school. Nang makapagtapos ng high school ay tinupad na ni Super Tekla ang kanyang pangarap na makapunta sa Manila.

Credit: @superteklahlibrada Instagram

Base na rin sa kwento ng kanyang buhay na ipinalabas sa Kapuso drama anthology na “Magpakailanman”, unang nadiskubre ang talento ni Super Tekla sa pagkanta at pagpapatawa nang magpunta sila ng kanyang mga kaibigan sa isang comedy bar.

Credit: @superteklahlibrada Instagram

Matapos masaksihan ng mga tao ang kanyang galing sa pagkanta ay kinuha si Super Tekla ng may-ari ng comedy bar bilang regular performer.

Credit: @superteklahlibrada Instagram

August 16, 2016 nga nang nag-desisyon si Super Tekla na sumali sa segment ng “Wowowin” na “Willie of Fortune”.

Dito nga ay nakita ng host ng show na si Willie Revillame ang likas na talento ni Super Tekla sa pagpapatawa na mababakas sa mga reaksyon ng mga tao.

Credit: @superteklahlibrada Instagram

Bawat biro kasi ni Super Tekla ay talaga namang pumatok at nagpahalakhak sa mga manonood.
Kaya naman kinuha siya ni Willie bilang regular host ng show.

Magmula nang maging regular sa Kapuso variety show, ay maraming oportunidad at proyekto hindi lamang sa pagho-host at pagpapatawa kundi sa pag-arte na rin ang nagbukas para kay Super Tekla. Nabigyan ng mga acting project at napabilang sa maraming Kapuso TV show si Super Tekla.

Credit: @superteklahlibrada Instagram

Isa sa mga maituturing na big break sa acting career nang singer-comedian ay nang maging cast siya sa Kapuso romantic-comedy show na “Inday Will Always Love You” kasama sina Barbie Forteza, Derrick Monasterio, Gladys Reyes, Manilyn Reynes at iba pang batikang mga artista.

Samantala, bagamat wala na ngayon sa “Wowowin” si Super Tekla ay patuloy pa rin ang pagbibigay niya ng saya sa pamamagitan ng YouTube channel nila ng kanyang ka-tandem na si TV host-comedian Donita Nose.