Aktres na si Carla Humphries, ibinahagi na hindi madali ang kanyang pinagdaanan nang mag-isang manirahan sa Amerika

Marami sa atin ang nangangarap na maranasan ang buhay sa ibang bansa. Maraming mga dahilan kung bakit ang isang Pinoy ay nais lumipat o manirahan sa ibang bansa. Maaaring gusto nilang magkaroon ng trabaho na mataas ang sahod, maghanap ng oportunidad para makapagtrabaho o sumubok ng mga bagong bagay.

Credit: @callmemadz Instagram

Isa naman ang bansang Amerika sa madalas dayuhin o puntahan ng mga Pinoy na gustong subukan ang kanilang kapalaran sa isang banyagang bansa.

Kabilang nga ang actress-model na si Madeleine “Carla” Humphries sa mga Pinoy na kasalukuyan ngayong naninirahan sa Amerika.

Credit: @callmemadz Instagram

Nitong February 13, sa vlog ng kaibigang si Michelle Madrigal, ibinahagi ni Carla ang mga hamon na naranasan niya sa kanyang paglipat sa Amerika.

Ayon kay Carla, hindi planado ang pagtira niya sa Amerika. Mahirap nga para sa kanya na lumipat at manirahan sa Amerika lalo na’t mag-isa lamang siya at walang pamilya na magsisilbing support system niya.

Kwento ni Carla, “Mahirap talaga. You’ll cry a lot. And I moved here alone. No family, no support system…It was really tough because I hadn’t really planned on moving to the United States.”

Credit: @callmemadz Instagram

Sinabi rin ni Carla na wala siyang anumang ideya na maninirahan siya sa Amerika. Hanggang isang kaibigan nga ang nagsabi sa kanya na pumunta at subukang manirahan sa Los Angeles, California.

Ani Carla, “I was here for a week and my friend had told me like you should totally come to LA and I came here thinking tingnan ko nga kung I can live here. I didn’t have any big ideas na I’m going to come here and I’m going to do this, I’m going to do that. “

Dagdag niya, “I was like ‘Tingnan ko nga ‘cause I feel like everyone in my life has a different stage already and I felt like I needed to search for myself in another place. And I felt like LA was calling me.”

Credit: @callmemadz Instagram

Nang pumunta nga si Carla sa Amerika ay siyang pagput0k din ng p@ndemya. Sobrang nabigla umano siya dahil nasa isang banyagang lugar siya at mag-isa. Buti na lamang daw at kinupkop siya ng pamilya ng kanyang kaibigan na si Dante Basco.

Sa kanyang paninirahan nga sa Amerika, natutunan ni Carla kung paano maging matibay at maging ‘independent’.

Credit: @callmemadz Instagram

“I was alone mentally. Mentally, I was in the Philippines, thinking of the worst, worrying about my family, didn’t know if I should go back or stay here. I had to figure out how to take care of myself. I didn’t have a car until now. And I just figured out how to get around…”

Dagdag niya, “I realized my resilience. Here talaga, it’s like every man for themselves because it’s hard enough to support yourself. And you’ll really grow up here.”