22-anyos na babae, nagsilbing inspirasyon sa marami matapos maabot ang pangarap na maging isang milyonaryo dahil sa kanyang pagsisikap na magbenta online!

Ang hindi pagsuko sa kanyang mga pangarap sa kabila ng napakaraming pagkabigo na kanyang naranasan ang siyang naging susi para maabot ng isang batang negosyante ang kanyang pangarap na maging isang milyonaryo.

Credit: @joyce.sibayan.758 Facebook

Itinampok sa ulat ni Mariz Umali sa “24 Oras” kamakailan ang kwento ng tagumpay ng negosyanteng si Joyce Sibayan.

Sa edad na 22, ibinahagi ni Joyce na hindi siya makapaniwala na naabot na niya ang kanyang pangarap na isang milyon at ngayon ay isa na siyang ganap na milyonaryo.

Credit: @joyce.sibayan.758 Facebook

Ayon kay Joyce, nalaman niya na milyonaryo na siya matapos sabihin sa kanya mismo ng isang teller ng bangko. Kahit ang teller ay humahanga kay Joyce dahil sa murang edad ay milyonaryo na siya. Ngunit ibinunyag ni Joyce na hindi naging madali para sa kanya na maabot ang naabot niya ngayon.

Sinabi ni Joyce na bago siya pumasok sa pag-oonline live selling ngayong panahon ng p@ndemya, marami sa kanyang mga negosyo ang hindi naging matagumpay kaya napilitan siyang ipasara ang mga ito.

Ilan lamang sa diskarte na sinubukan ni Joyce para kumita ay ang pagbebenta ng chili garlic oil, pre-loved na damit at cosmetics.

Ani Joyce, “Meron pong times na nag-breakdown po ako and nawala nga po ako sa sarili dahil sunod-sunod yung nangyayari din sa business ko.”

Credit: @joyce.sibayan.758 Facebook

Bukod naman sa pagsasara ng kanyang mga negosyo, dumaan din si Joyce sa maraming pagsubok sa buhay at kabilang dito ang panghuhusga na naranasan niya mismo mula sa kanyang mga kamag-anak.

Inamin ni Joyce na noong siya ay isang teenager pa ang mga tao sa paligid niya ay itinuring siyang masamang impluwensya. Maliban dito, naranasan din niyang ma-report mismo sa pulisya ng kanyang sariling mga magulang sa pulisya dahil sa kanyang mga aktibidad noon.

Credit: @joyce.sibayan.758 Facebook

Naranasan din ni Joyce na kwestiyunin ang kanyang sariling kakayahan lalo na sa tuwing naramdaman niyang siya ay isang “outcast” sa kanilang klase. Aminado si Joyce na hindi siya magaling pagdating sa “academics” ngunit hindi umano ito naging hadlang para sa kanyang tagumpay sa buhay.

Aniya, “Hindi po talaga ako magaling sa academics, meron time na naa-outcast po ako. Makikita mo po talaga yung mga friends mo na, ‘bakit sila ang sasaya nila, bakit ikaw naghihirap ka?,’ ganyan. Tapos nakaka-inggit pero hindi mo naman kasi yun pwedeng magawa kasi alam mo na may goal ka.”

Credit: @joyce.sibayan.758 Facebook

Sa huli, nais lamang ni Joyce na patunayan sa lahat na ang pagiging mahusay sa “academics” ay hindi sukatan para magtagumpay ang isang tao sa buhay.

Dahil aniya, “Ang totoong importante sa buhay ay kailangan madiskarte, masipag at matiyaga ka.”